[Filipino] 2024: Ang Taon sa isang Pagusuri ----- Habang palapit na ang dulo ng taon, mayroon tayong oportunidad na tumingin sa nakalipas na taon ng paglikha ng mga proyekto, paglahok sa aming mga estudyo, at pagkaroon ng mga bagong kaibigan sa Scratch! Iniimbita ka naming gumawa ng proyekto para ibahagi ang iyong mga naranasan noong nakaraang taon sa Scratch na gusto mong maalala at magpaalam sa taong 2024. Naghahanap ka ba ng mga ideya para makapagsimula? - Magbahagi ng proyekto na ipinapakita ang lahat ng mga bagay na ginawa mo ngayong taon. - Natuto ka ng bagong pamamaraan ng pag-co-code ng isang bagay o sinubukan mo ang mga bagong block sa Scratch? Gumawa ka ng proyekto para maipakita sa amin! - Na-inspire ka na ba ng mga proyekto, sining, o mga ideya na ginawa ng mga ibang tao ngayong taon? Lumikha ka ng proyekto para bigyan sila ng isang shoutout, at ibahagi kung ano ang nag-inspire sa iyo! - Nakilahok ka ba sa isang estudyo na nagustuhan mo? Gumawa ka ng proyekto para maipakita sa amin! - Gumawa ka ng photo album ng mga alala mula sa taong gusto mong matandaan - Nakagawa ka ba ng mga bagong karakter ngayong taon? Ipakilala mo sila sa amin! - Gumawa ka ng proyekto para maipakita mo sa amin ang mga sining na ipinagmamalaki mo noong nakaraang taon - Magsulat ka ng tula o kuwento para tumulong sa pag-iisip mo sa nakaraang taon ng iyong oras sa Scratch Bago ka lang ba sa Scratch? Okay lang iyon! Ito ay mga ideya para matulungan ka magsimula: - Sinong mga Scratcher na nakita mong na nakaka-inspire? - Anong paborito mong sprite o likuran sa ngayon? -Anong mga bagay ang gusto mong subukang gawin sa Scratch sa susunod na taon? - Gumawa ka ng proyekto ng pagpapaalam sa taong 2024 at pagsasalubong naman sa taong 2025 Tandaan mo, ito'y mga mungkahi lamang! Maaari kang gumawa ng mga sarili mong ideya rin, o kumuha ng insipirasyon sa mga proyekto sa estudyo! Tingan mo itong proyekto, ipinapaliwanag din nito ang prompt: https://scratch.mit.edu/projects/1102910289/ Para mailagay ang iyong proyekto sa estudyo, palagay ang link ng iyong proyekto sa comment section ng estudyo. Siguradong titingnan namin ito! Anong lilikhain mo? =^..^=