[Filipino/Tagalog] Earth Day 2025 ----- Maligayang Araw ng Daigdig sa lahat! Ang Araw ng Daigdig ay isang taunang pandaigdigang pagdiriwang ng ating planeta at isang paalala na lahat tayo ay may kapangyarihang pangalagaan ito. Tuwing Abril 22, sama-samang kumikilos ang mga tao mula sa higit 190 na bansa upang magsagawa ng mga hakbang para sa kalikasan. Ang tema para sa Araw ng Daigdig 2025 ay “Ang Ating Lakas, Ang Ating Planeta”, na nagbibigay-diin sa renewable energy (nababagong enerhiya) at humihikayat sa mga tao sa buong mundo na magkaisa upang bumuo ng mas malinis at mas maliwanag na kinabukasan. Mula sa pagtuturo sa iba, malikhaing pag-iisip, hanggang sa pagsali sa mga gawaing pangkomunidad, lahat tayo ay may kakayahang magdulot ng pagbabago! Bilang pagdiriwang ngayong taon, iniimbitahan ka naming gumawa ng mga proyekto na may kaugnayan sa Araw ng Daigdig at ibahagi ito sa amin dito sa studio! Naghahanap ka ba ng ideya upang makapagsimula? Gumawa ng animated na card na nagsasabing “salamat” sa ating planeta o nag-aanyaya sa isang tao na ipagdiwang ang Araw ng Daigdig kasama mo. Gumawa ng laro kung saan kailangang mangolekta ng mga materyal upang makabuo ng mga malilinis na pinagmumulan ng enerhiya tulad ng solar panels o wind farms. Lumikha ng sining gamit ang recycled na materyales at buhayin ito gamit ang Scratch. Gumawa ng proyekto na nagtuturo sa iba kung paano gumagana ang renewable energy. Gumawa ng nakakatawang animation tungkol sa araw na nag-aapply ng bagong trabaho para magbigay ng kuryente sa isang bahay gamit ang solar panels. Bumuo ng interactive na quiz na may mga impormasyon tungkol sa enerhiyang nagmumula sa hangin, tubig, at araw. Gumawa ng interactive artwork na nagpapakita ng kaibahan ng mundo na may malinis na enerhiya at mundo na wala nito. Magdisenyo ng proyekto gamit ang isang orihinal na karakter o Scratch sprite na gumagawa ng mga hakbang upang maging mas makakalikasan. Para sa iyo, ano ang hitsura ng hinaharap na may malinis na enerhiya? Ibahagi ito sa isang proyekto. Pag-isipan ang temang “Ang Ating Lakas, Ang Ating Planeta” at gumawa ng proyektong may kaugnayan dito! Tandaan, ito ay mga mungkahi lamang! Malaya kang gumawa ng sarili mong mga ideya o kumuha ng inspirasyon mula sa mga proyekto na nasa studio na. Tingnan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Araw ng Daigdig. Ano ang iyong lilikhain? =^..^= - - - - FAQ Ano ang Araw ng Daigdig? Ang Araw ng Daigdig ay isang taunang kaganapan bilang pagdiriwang sa ating mundo at pagpapakita ng suporta sa pangangalaga sa kapaligiran. Ipinagdiriwang ito tuwing Abril 22 upang gunitain ang simula ng makabagong kilusang pangkalikasan noong 1970. Ano ang tema ng Araw ng Daigdig ngayong taon? Ang tema ng Araw ng Daigdig 2025 ay “Ang Ating Lakas, Ang Ating Planeta,” na nag-aanyaya sa lahat sa buong mundo na magkaisa para sa renewable energy, at upang matig-tatlong beses ang pandaigdigang produksyon ng malinis na kuryente pagsapit ng 2030. Paano ako makikibahagi? Maraming paraan upang ipagdiwang ang mundo at maging mas makakalikasan. Ilan sa mga mungkahi mula sa mga tagapag-ayos ng Earth Day: Ang kaalaman ay kapangyarihan – kung ikaw man ay mag-aaral, kabataang lider, o taong may interes sa kalikasan, maaari kang matuto ng mga mahahalagang kaalaman, magbahagi ng kamalayan, at magbigay-inspirasyon sa iba na kumilos. Kumilos sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno o pag-aaral kung paano mag-recycle. Gamitin ang iyong boses upang matulungan ang iba na maunawaan ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating planeta. Tumulong sa pagpapanatiling malinis ng ating mga dalampasigan, karagatan, ilog, lawa, trail, at parke mula sa basura. Ano pa ang naiisip mong paraan upang makatulong? Gumawa ng proyekto tungkol dito at ibahagi sa amin! Saan ako makakakuha ng higit pang impormasyon? Tingnan ang mga proyekto sa studio upang matuto pa, o bisitahin ang opisyal na website ng Earth Day para sa karagdagang detalye: https://www.earthday.org/earth-day-2025/
NOTE: thjis is fanmade