[Filipino] Blast from the Past - Scratch Camp 2026 ----- Maligayang pagdating sa unang linggo ng Scratch Camp: Adventures in Time! Ngayong linggo, paiandarin natin ang ating mga time machine at maglalakbay patungo sa nakaraan upang balikan ang kasaysayan at tuklasin ang mga kamangha-manghang pangyayari noong unang panahon. Galugarin ang mundo ng mga dinosaur, bisitahin ang mga sinaunang kabihasnan, tuklasin ang mga maalamat na kaharian, libutin ang mga misteryosong guho, makilala ang mga tanyag na manlalakbay, masaksihan ang mga imbensyong nagpabago sa kasaysayan, o maranasan ang mga kuwentong naipasa sa iba't ibang henerasyon. Napakaraming pangyayari sa nakaraan ang naghihintay na matuklasan. Ang tanging tanong na lang ay kung saan—at higit sa lahat, *kailan*—mo gustong pumunta! Naghahanap ba ng mga ideya para makapagsimula? - Gumawa ng animation tungkol sa paglalakbay sa nakaraan. Saan ka pumunta at ano ang iyong nakita? - Lumikha ng laro na ang tagpuan ay noong unang panahon. - Gumawa ng interactive na kuwento tungkol sa isang maalamat na bayani, artista, o kilalang tao sa kasaysayan. - Magdisenyo ng interactive na museo tungkol sa iyong paboritong panahon sa kasaysayan. - Magdisenyo ng laro kung saan kailangang tumakas ng mga time traveler mula sa isang dinosaur. - Gumawa ng animation tungkol sa isang araw sa buhay ng isang sinaunang imbentor. - Gumawa ng interactive na timeline ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan. - Lumikha ng isang nakalimutang kabihasnan at galugarin ang kultura, mga imbensyon, at mga tradisyon nito. - Gumawa ng treasure hunt sa gitna ng mga sinaunang guho. - Gumawa ng likhang-sining na hango sa mga fossil, kastilyo, pyramid, o mga lumang mapa. Tandaan, mga mungkahi lamang ang mga ito! Malaya kang makabuo ng sarili mong mga ideya o kumuha ng inspirasyon mula sa mga proyektong nasa studio na! Ano ang iyong gagawin? =^..^=
Credits to @ScratchCat for the original project! This is a Filipino Translation for the Scratch Camp 2026: Week 1 Blast From The Past.