[Filipino] Invisible Math: Nakatago sa Harapan Natin ----- Paano kung ang matematika ay hindi lamang tungkol sa paglutas ng mga equation o isang asignaturang pinag-aaralan sa paaralan? Paano kung ang matematika ay isang paraan ng pagtingin sa mundo? Madalas na nakatago ang matematika sa ating harapan, kahit na hindi natin ito laging napapansin. Naroon ito sa ritmo ng paborito mong kanta, sa mga pattern ng iyong damit, sa simetriya ng mga pakpak ng paru-paro, sa pagtalbog ng bola, at maging sa paraan ng paghahati ninyo ng pizza. Matatagpuan ito sa kalikasan, sa mga larong nilalaro natin, sa mga likhang-sining, sa ating mga libangan, at sa ating mga komunidad. Sandali... matematika pala 'yun?! Kapag naglaan tayo ng oras at masusing tumingin, makakahanap tayo ng matematika sa iba't ibang hindi inaasahang lugar. Inaanyayahan ka ng studio na ito na tuklasin ang matematikang umiiral sa iyong mundo. Magsimula sa isang bagay na gusto mo, ginagawa mo araw-araw, o kinagigiliwan mo, at pagkatapos ay gumawa ng proyekto na tumatalakay sa nakatagong matematikang iyong natuklasan—at tulungan din ang ibang mga Scratcher na mapansin ito! Naghahanap ba ng mga ideya para makapagsimula? Gumawa ng interactive na likhang-sining na hango sa mga pattern o hugis na napapansin mo sa mga halaman, hayop, damit, arkitektura, o sa mga lugar na hindi mo inaasahan. Gumawa ng laro, animation, o proyektong pang-musika na gumagamit ng mga beat, ritmo, pattern, timing, o sound wave. Gumawa ng proyekto tungkol sa arko ng lipad ng football, mga anggulo ng pag-shoot sa basketball, bilis ng isang runner, distansyang nilalakbay ng isang bagay, o maging ang tsansang manalo ang paborito mong koponan. Sumulat ng kuwento tungkol sa isang bagong chef na natututo kung gaano kahalaga ang tumpak na pagsukat ng mga sangkap at pag-aangkop ng dami ng mga ito kapag nagluluto o nagbe-bake. Gumawa ng "escape room" game kung saan kailangan mong lutasin ang mga mathematical riddle o palaisipan upang manalo. Gumawa ng laro sa pagdidisenyo ng silid kung saan gagamit ang mga manlalaro ng mga hugis, distansya, o x at y coordinate upang palamutian ang silid. Dalhin ang iyong proyekto sa labas at tuklasin ang nakatagong matematika sa kalikasan, tulad ng simetriya ng bulaklak, landas ng anino, o mga pattern sa panahon, at iba pa. Humanap ng matematika sa isang bagay na mahal mo. Maging ito man ay gaming, pagsasayaw, pagguhit, fashion, sports, musika, o anupaman ang pinakakapana-panabik para sa iyo, ang lahat ng ito ay may taglay na matematika na nakatago sa iyong harapan. Pumili ng isang bagay na kinahihiligan mo at tuklasin kung anong konsepto ng matematika ang maaari mong mahukay dito! Tandaan, mga mungkahi lamang ito at hindi kailangang magmukhang math assignment ang iyong proyekto upang maging angkop sa studio! Ang matematika ay nasa ating paligid at maaaring nakatago ito sa lugar na hindi mo pa naisipang tingnan noon. Malaya kang makabuo ng sarili mong mga ideya o kumuha ng inspirasyon mula sa iba pang mga proyektong nasa studio na. Ano ang iyong gagawin? =^..^= Salamat kay