Naisip mo ba kung ano kaya kung nakatira ka sa gubat? Well, nasasakop ka namin! Sa mga nanganganib na mga hayop, sa mga umaagos na mga ilog, sa mga mabangis na mga berry, marami pa sa kagubatan kaysa sa iniisip mo! Dito so Scratch Design Studio, umaasa kaming sumama ka at mag-share ng proyekto tungkol sa mga kagubatan kasama ang komunidad ng Scratch. Kahiman mahal mo lahat ng bagay tungkol sa kagubatan o sinimulan mo lang galugarin iyon, ikaw ay imbitado na gumawa ng proyekto tungkol sa kagubatan! Naghahanap ng idea upang makapagsimula? -Gumawa ng edukasyunal na proyekto tungkol sa mga hayop sa kagubatan -Mag-code ng laro na nagaganap sa kagubatan -Magsulat ng kuwento tungkol sa araw ng isang buhay ng isang puno sa kagubatan -Mag-design ng damit para sa isang explorer sa kagubatan -Mag-imbento ng uri ng bulaklak para sa kagubatan at gumawa ng laro tungkol doon -Gumawa ng nakaka-relax na animasyon tungkol sa paglalakad sa kagubatan Tandaan, mga mungkahi lang ang mga iyon! Ikaw ay maligayang gumawa ng iyong sariling idea, o kumuha ng inspirasyon sa mg proyekto na nasa studio!
Itong deskripsyon ay isinalin ni @DonDae2012 (This description is translated by @DonDae2012).